Bantang-Panganib

Sa mga nakalipas na taon, maraming mga kalamidad na ang naranasan ng barangay BatasanHills, katulad ng Bagyo, Lindol, Sunog na siyang mas pinaghahandaan dahil narin sa epekto nito sa pamayanan. Hindi na bago sa atin ang makaranas ng bagyo na siyang dahilan ng pagbaha, lindol na nagdudulot ng pagbiyak ng mga daanan atlandslide at sunog na makakaubos sa mga ipinundar dahil sa lakas ng epekto nito ay ito ang mas pinaka tinututukan ng barangay. Ang barangay, lalo na ang ahensya ng DRRM sa barangay ay higit na alerto sa mga balita lalo na kapag nagbabadya ang masamang panahon. Mayroon ding mga opisyales na siyang namamahala sa mga lugar sa Baranggay Batasan Hills ang naka assign sa mga barangay nasiyang nag mo-monitor sa kalagayan ng barangay upang mapaghandaan at mabigyan ng agarang aksyon. Ang mga ganitong mga kalamidad o hazards ay nangyayari maraming beses sa isang taon gaya na lamang ng bagyo na nakakapagdulot ngpagbaha, landslide dahil sa paglambot ng lupa. Ang mga gantong pangyayari ay madalas lalo na kung pabugso-bugso ang ulan.

MARIKINA RIVER
(Ang tulay na naghahati sa barangay Batasan Hills at Marikina)

Sa tuwing paparating ang mga kalamidad, ang mga lugar sa Barangay Batasan Hills natinatawag nilang mga nasa baba ang siyang prone sa mga kalamidad gaya ng R.Ba, Northview, Lunduyan, Garlan at Taniman na siyang prone sa pagbaha, landslides at earthquakes at sila rin ang mas napipinsala sa pagdating sa mga sakuna na dumarating. Pagdating sa kabuhayan, ang mga mamamayan ng Barangay Batasan Hills ay nakakaranas ng pagbaha ayon kay ma’am Susan na siyang aking naka-usap at ito ay nakakahadlang sa kanila sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho at pagkasira ng mga bahay at lupa kung sa kaling magkaroon ng lindol at landslides. Isa sa lugar sa Barangay Batasan Hills ay prone sa landslides at maraming mga kabahayan at pamumuhay ang nasisisira dulot ng landslides. May mga lugar sa Barangay Batasan Hills ang tinatawag na nasa upper na siyang hindi prone sa mga pagbaha at landslides at lower o baba na prone sa pagbaha at landslides. Ayon kay ma’am susan dahil na rin sa katigasan ng mga ulo ng mgatao kaya nahahadlangan ang barangay sa pag unlad dahil ang mga ito ay pinipilipa rin na manirahan sa mga prone area kahit inaabisuhan na silang lumipat ng barangay.

Sa paghahanda at pag-iwas sa mga bantang-panganib, ang barangay ay nag kakaroon ng mga training sa rescue at first aid at paghahanda sa mga evacuation areas na siyang safe area para sa mga nasalanta ng mga kalamidad o sakuna. Nakahanda din sa anu mang oras ang rescue team ng barangay mga volunteers na siyang well-trained at experienced. Ang DRRM oficials ay may nakandang plano para sa mga bantang-panganib mga routes, escape plans, mga emergency hotlines mga plano para maka-iwas sa mga sakuna mga evacuation plans na siyang makakatulong para sa paghahanda at pag-iwas sa mga bantang-panganib pagdating sa pagtaas ng tubig sa Marikina river may sirena na siyang naka alerto at magbibigay ng signal samga opisyal ng barangay isang tulong na rin upang maiwasan ang pagbaha atpagkalunod at ang pagpapaskil sa mga lugar sa Barangay Batasan Hills ng mga poster patungkol sa Disaster Risk Reduction. Ang barangay rin ay nagbibigay ng livelihood programs sa mga nasalanta ng mga kalamidad upang makatulong para sila ay makabangon gaya ng pag-gawang basket, at ang planong magturo sa mga pamilya ng first aid at rescue. Sa lahatng pagpaplanong ito si kapitan Jojo Abad ang siyang namumuno at ang ahensya ng DRRM ang siyang nag aaksyon sa pamumuno ni kagawad Charlie Mangune kasama si mrs. Susan Babiles at ang council.

Sa aking pakikipag-usap kay ma’am Susan ay itinukoy niya ang mga problema ng komunidad, isa na dito ang epekto ng mga pabugso-bugsong ulan na siyang nagdudulot ng baha sa ilang mga lugar sa Barangay Batasan Hills na isa sa mga pinaka malalang sakuna dahil kahit walang bagyo basta malakas ang ulan ay aasahan na ang pagbaha at isa pa ang landslide sa Northview ay prone ang landslides isang dahilan rin sa pag ulan lumalambot ang lupa na siyang nagiging sanhi ng mga landslide. Nabanggit ni ma’am Susan na sila ay nagbibigay ng mga serbisyo o programa samga taong nasalanta ng mga kalamida o mga sakuna. Para sa akin, dapat bigyan ngkaagarang aksyon at magbigay ng mga benepisyo ang gobyerno ang mga mamamayan nanasa prone area dahil hindi lamang mga imprastratura ang mawawala ngunit pati buhay ng mga taong walang kamuang-muang. Sa bansa natin na isang prone sa bagyo, volcano eruptions, earthquakes at lanslides ang gobyerno ay hindi sapat na natutulungan ang mga lugar na nasalanta ng mga kalamidad o sakuna nakikita natin sa media na maayos silang bumabangon ngunit ang totoo ay hindi naman pala dahil ang tulong mula sa gobyerno ay hindi sapat at minsan ay pinagsasawalang-bahala lamang nila kahit na maraming buhay at imprastratura ang nawawala at nasisira. Sa aking pagkikipagkwentuhan sa DRRM peson-in-charge ay namulat ako dahil kahit na maliit na pamayanan lamang ang Barangay Batasan Hills pagdating sa mga pagpaplano at pag-aksyon yung ang kanilang prayoridad. Nabanggit ni ma’am Susan na isa sa mga pinaka prayoridad nila ang kaligtasan ng mamamayan ng Baranggay Batasan Hills kaya sila ay nag rerecruite at nagsasagawa ng mga seminars patungkol sa safety at pag-provide ng mga impormasyon patungkol sa Disaster Risk Reduction. Para saakin, isang napaka importanteng bagay ang pag-alam sa mga disaster na nagaganap sa ating bayan, isang paraan ay ang pag-monitor sa lugar sa kung aong mga nagaganap at maki-balita dahil ang kaligtasan ang siyang dapat na prayoridad ng kung sino man. Isang paraan sapag-iwas sa mga kahinaan ng isang pamayanan ay tayo ay matutong makiramdam sa mga bagay-bagay sa paligid natin at maki-isa sa mga programa ng barangay patungkol sa pag-iwas sa mga sakuna upang maibsan ang mga nagiging biktima ng mga sakuna o kalamidad dapat na magkaisa tayo, making at umunawa sa mga bagay bagay dahil ang buhay ay hindi katulad ng bagay lamang na pag nasira ay parang wala lamang epekto ngunit isang parang mahalagang gamit na kapag nasira ay maraming luhang babagsak. Kaya dapat nating isipin na sa anu mang bagay kaligtasan ang prayoridad.

Leave a comment